"Pag ibig nga naman" | Filipino poetry #31

4 months ago

love-1790142__480.jpg


Magandang araw po mga kababayan ko! Narito po ang aking simpleng tulang pilipino patungkol sa pag ibig, na alam ko naranasan din ito ng mga umiibig,umibig at inibig. Sana po ay magustuhan nyo po.😊

"Pag ibig nga naman"
Katha ni : @genaricarillojr(blessedsteemer🙏)


Sa una nating pagkikita ako ay natulala,
Mayroon akong naramdaman na pintig na kakaiba.
Puso ko ay napuno ng kaba at pawisan ang aking mukha,
Para bang akong binuhusan ng tubig na isang timba
.


At sa iyong paglapit boses ko'y parang naipit,
Tanging "kumusta" lang ang salitang nasambit.
At ng sa akin ikaw ay nakipagkamay,
Para bang ako'y banderitas na sa hangin iwinawagayway
.


O' anong tuwa ng aking damdamin pag ika'y nasisilayan,
Akala ko ay anghel na bumaba sa kalupaan.
Imahinasyon ko tuloy nakakarating kung saan saan,
Na ikaw daw at ako ay masayang magkahawak kamay sa dalampasigan
.


Di nagtagal nagtapat ako sa'yo ng aking pagmamahal,
At sa bawat salitang binibitawan ng aking bibig ay tila nauutal.
Tila ba ako'y tulad ng isang sanggol na nagsisimula pa lng umusal,
Pero salamat sa Diyos, at nabanggit ko ang tanong "kung ako ba ay iyong mahal"
?


Lahat na yata ng pangalan ng santo ay tinatawagan ko,
Pinapanalangin ko na sana tanggapin mo ang pag ibig na alay ko sayo.
Kahit na anong bagyo at delubyo ay haharapin ko,
Mapatunayan ko lang na ang intensyon ko sayo ay seryoso
.


Di naglaon dahil sa aking panunuyo,
Nakamit ko ang mala pukyutan sa tamis mong "OO"!
Sa oras na yun parang langit ang aking mundo,
Noong marinig ko ang katagang "mahal mo rin ako"
!


Maraming salamat sa inyong pagbasa sa aking simple tula.

Hanggang sa muli.😊

Ang inyo pong lingkod;
@genarocarillojr(blessedsteemer🙏)

43419259_922325541290523_3693603193737969664_n.gif


Pinagkuhanan ng litrato

Posted from my blog click here

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE WEKU!
Sort Order:  trending

This post has been lifted, We do appreciate your work! Lifty is a Fundraising project to Support Exceptional contents made by new and verified Authors of Weku!

Help us to find your contents easily by adding "lifty" as your 5th tag.

Keep up the Good work and Have a nice Day!      

·

Thanks for the appreciation and support!😊 God bless!

Sadyang ang tao kung umiibig nagiging makata at malakhaiin ang pag-iisip.
Okay pala kahit hindi English sa weku.

·

Salamat sa pagbasa kabayan!😊 Oo naman puwede po tagalog kasi may mga kababayan namn tayu na sumusuporta sa atin at me nagtatranslate na nito into english.😊

·
·

Mas ma express ko ang nararamdaman kpag tagalog ang gnagamit ko kbayan hahaha

·
·
·

Tama ka kabayan..😊 mas nasasabi mo kung ano gusto mo ipaabot o ipabatid na mensahe.😊 salamat sa pagbasa.😊

Napahusay na tula.
Read from start to finish and still wanting more.

Good job my friend.

·

Thank sir @fycee!😊 Thanks for reading.😊